BSP nakikitang bababa pa ang inflation sa pagtatapos ng taon

Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babagal pa ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa pagtatapos ng taon.

Ayon sa BSP ito ay dahil sa pagbaba ng presyo ng pagkain.

Sa ikalawang quarter ng taon, bumaba sa 3 percent ang inflation kumpara sa 3.8 percent noong unang quarter ng taon.

Ayon kay Department of Economic Research director Dennis Lapid, nakikitang nilang babagal ang pagsipa ng inflation kaya ibinaba nila ang inflation expectations.

Pinanatili ng BSP ang projection nito para sa buwan ng Hunyo na 2.7 percent na inflation.

Target din ng BSP ang 3 percent sa taong 2020.

Read more...