Lalaking South Korean sinilaban ang sarili sa harap ng Japanese Embassy sa Seoul

Isang lalaking South Korean ang sinilaban ang kaniyang sarili sa harapan mismo ng Japanese Embassy sa Seoul.

Ang lalaki na edad 70 ay sinilaban ang kaniyang sarili habang nasa loob ng kaniyang nakapadang sasakyan sa harapan ng gusali ng embahada.

Ayon sa mga otoridad, nagawa pang maisugod sa ospital ang lalaki pero binawian din ito ng buhay.

Hindi rin malinaw sa mga otoridad kung ano ang motibo ng lalaki sa kaniyang ginawa.

May nakuhang flammable materials sa loob ng kaniyang sasakyan.

Iniimbestigahan na ang surveillance cameras sa palibot ng embahada.

Read more...