Comelec Commissioner Rowena Guanzon hindi natinag sa text threats

May hinala si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ang mga pagbabanta sa kaniya ay may kaugnayan sa pagtutol niya na mabigyan ng pwesto sa Kamara ang Duterte Youth.

Pagbabanta din nito kapag nagpatuloy ang mga banta sa kaniya, kikilos na siya para matukoy ang mga responsable, ibubunyag niya ang mga ito at kakasuhan.

Nilinaw pa nito na hindi naman siya ang sumagot sa mga inihain reklamo laban kay dating National Youth Commission Chief Ronald Cardema.

Ngunit tumutol din si Guanzon sa pag-upo ni Cardema bilang Party-list Representative dahil hindi ito kuwalipikado.

Isinapubliko ng opisyal sa kanyang social media account ang text threat sa kanya na nagsabing may ibubunyag tungkol sa kanya at siya ay kakasuhan.

Read more...