Truck nahulog sa bangin sa Samar 1 patay, 15 sugatan

1 ang patay habang 15 ang sugatan makaraang mahulog sa bangin ang isang 6-wheeler truck sa Sta. Margarita, Samar.

Ayon sa ulat ng Regional Headquarters ng PNP sa Camp Ruperto Kangleon sa Palo, Leyte, nangyari ang aksidente alas 7:45 ng umaga ng Biyernes (July 19) sa Barangay Mabuhay.

Nahulog ang truck sa bangin na may lalim na 20 talampakan.

Agad dinala sa ospital sa Calbayog City ang mga nasugatan.

Read more...