Mas mababa pa ito kumpara sa -6 percent o ‘neutral’ na rating noong buwan ng Marso.
Ito ang lumitaw sa isinagawa survey ng Social Weather Stations o SWS.
Binigyan naman ng nakararaming Filipino ang US ng +73 percent na trust rating o ‘excellent’, mas mataas pa kumpara sa +60 percent noong nagdaang survey.
Lumitaw sa June survey ng SWS na 51 percent ng mga Pinoy ang mayroong ‘little trust’ o maliit lang na tiwala sa China.
Habang 27 percent ang mayroong “much trust, at ang nalalabing 21 percent ay undecided.
Samantala, 81 percent naman ng Filipinos ang mayroong ‘much trust’ sa US habang 8 percent ang mayroong ‘little trust’ at 11 percent ang undecided.
Ginawa ang survey mula June 22 hanggang 26 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na Filipino adults.