2 taxi driver nasampolan ng “Oplan Isnabero”

 

Inquirer file photo

Dalawang taxi driver na namimili ng mga pasahero ang nasita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Bagamat hindi kinilala ang mga nahuling taxi driver, sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na agad na inisyuhan ng Inspection Report Summons ang dalawa upang paharapin sa isang hearing sa lalong madaling panahon.

Sakaling mapatunayang namimili ang dalawa ng kanilang mga isasakay na pasahero, maaring pagmultahin ng hanggang P5,000 ang mga ito sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01.

Matatandaang tuwing sumasapit ang holiday season, pinaiigting ng LTFRB ang kanilang kampanya kontra sa mga ‘suplado at isnaberong’ mga taxi driver na namimili ng mga pasaherong isasakay.

Dahil dito, nagpakalat na ng dagdag na tauhan ang LTFRB sa mga taxi bays sa ilang kilalang shopping mall sa Metro Manila.

Samantala, nagpalabas na ring n 301 special permit ang ahensya para sa mga bus na bibiyahe patungo sa mga probinsya sa labas sa kanilang ruta.

Read more...