Magsisimula ang mas maiksing water service interruptions ngayong araw, July 19.
Ayon sa Maynilad, ito ay dahil kapwa tumaas ang antas ng tubig sa Angat at Ipo dam dahil sa naranasang pag-ulan kahapon.
Naabot na rin ng Ipo dam ang maintaining level nito kaya napunan na ang mga water reservoirs ng Maynilad.
Pero paalala ng Maynilad, sa sandaling maubos ang run-offs sa water sheds at muling bumaba ang water level sa Ipo dam ay babalik sa dati ang haba ng oras ng service interruptions.
Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes (July 19), nasa 160.16 meters na ang water level ng Angat dam.
Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.97 meters ang water level at ang La Mesa dam na nasa 73.09 meters.