Sasakyan nahulog mula sa 2nd foor ng isang gusali sa Pasig City

Isang sasakyan ang nahulog mula sa 2nd floor ng isang hotel sa Pasig City.

Nasa parking area ang silver na pick up nang dumere-diretso ito at nahulog sa ibaba.

Makikitang wasak ang grills ng parking area sa 2nd floor ng The Malayan Plaza sa Ortigas na pinagmulan ng sasakyan.

Agad isinugod sa ospital ang driver ng pick up.

Read more...