18 sugatan sa tumagilid na bus sa Oslob Cebu

Sugatan ang 18 pasahero makaraang tumagilid ang isang pampasaherong bus sa Oslob, Cebu.

Nangyari ang aksidente, Biyernes (JUly 19) ng umaga sa Barangay Gawi.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nawalan umano ng kontrol ang driver sa bus.

Dumere-deretso ng andar ang bus hanggang sa tumagilid na sa kalsada.

Patungo sana ang bus sa bayan ng Santander sa southern Cebu.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...