Tatlo sugatan sa sunog na naganap sa Quezon City

Radyo Inquirer Photo / Erwin Aguilon
Tatlo ang nasugatan kabilang na ang dalawang bata at isang bumbero sa naganap na sunog sa isang residential area sa Barangay Doña Imelda, Quezon City.

Ayon kay Inspector Sherwin Peñafiel, ang chief ng arson investigator ng Quezon City Fire District, agad namang na-rescue ang dalawang bata at dinala na sa ospital habang nagtamo naman ng sugat sa kamay ang isang bumbero.

Nahirapan ang mga bumbero na makapasok sa lugar dahil masikip papasok sa eksinita kung saan nagsimula ang sunog na umabot naman sa iktlong alarma.

Tinatayang aabot sa P150,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

Tatlumpung bahay ang naapektuhan ng sunog kung saan aabot sa 60
na pamilya ang nawalan ng tirahan.

Naapula ang sunog dakong alas 10:00 ng umaga habang inaalam pa naman ang pinagmulan ng apoy sa insidente.

Read more...