Bagyong Goring magpapaulan sa northern Luzon; signal number 1 nakataas sa Batanes

Naging isang ganap na bagyo na ang Low Pressure Area na binabantayan PAGASA at pinangalanan itong Goring.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 190 kilometers North Northwest ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangingg aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong northeast.

Nakataas na ang public storm warning signal number 1 sa Batanes.

Ayon sa PAGASA ang bagyong Goring ay maghahatid ng katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region at Babuyan Group of Islands.

Mamayang gabi o bukas ng umaga ay lalabas din agad ng bansa ang bagyo.

Samantala, ang Tropical Storm na may international name na Danas at dating bagyong Falcon ay huling namataan sa layong 1,005 kilometers north ng extreme northern Luzon.

Read more...