British National patay matapos malunod sa beach resort sa Albay

Patay ang isang British national makaraang malunod sa isang beach resort sa Oas, Albay.

Ayon kay Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nakilala ang dayuhan na si David Andrew Smith Wilnot, 57 anyos mula East Bourne, England.

Nalunod si Winlnot habang naliligo sa beach resort sa Barangay Maramba, alas 5:30 ng hapon ng Huwebes (July 18).

Nasawi si Wilnot habang dinadala sa Pantao Hospital sa bayan ng Libon.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Read more...