TNVS drivers magdamag na pumila sa LTFRB para sa mag-apply ng provisional authority

Dumagsa sa Land Transportation Francihsing and Regulatory Office (LTFRB) ang mga aplikante para sa TNVS permit.

Ang ibang driver, sa East Avenue sa Quezon City na nagpalipas ng gabi at hindi umalis sa pila.

Ayon sa isa sa mga driver, alas 12:00 ng madaling araw sya dumating at pang-300 na sya sa pila.

Mayroon aniyang alas 9:00 pa lang ng gabi ng Huwebes (July 18) ay nakapila na.

1,500 na aplikante lang kasi ang cutoff kada araw para sa pagproseso ng provisional authority ng mga TNVS driver.

Dismayado ang mga driver dahil maliban sa magdamag na silang pumila, umuulan pa.

Nanawagan sila kay LTFRB chairman Martin Delgra na bigyang pansin ang sistema ng pagproseso sa permit ng TNVS para maiwasan ang mahabang pila.

Read more...