LPA muling pumasok sa bansa at naging isa nang ganap na bagyo – PAGASA

Muling pumasok sa bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA na kahapon ay nasa bahagi ng Ilocos Sur.

Ayon sa PAGASA, alas 7:00 ng umaga ng Biyernes (July 19) nang muling pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang LPA.

Alas 8:00 naman ng umaga nang maging ganap na bagyo ang LPA at pinangalanang Goring.

Alas 11:00 ng umaga ay maglalabas ng severe weather bulletin ang PAGASA para sa nasabing bagyo.

Read more...