Mga mangingisdang Pinoy dehado sa pagbibigay ng fishing rights sa mga Chinese sa West PH Sea

Umalma si Magdalo Party-list Representative Manuel Cabochan sa pagpapahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na mangisda sa exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Cabochan, hindi makakatulong sa pagprotekta sa ating teritoryo na pilit inaagaw ang pagbibigay ng fishing rights sa mga Chinese.

Lalo lamang aniyang madedehado ang mga mangingisdang Pinoy dahil ipinamimigay na ang pagkain sa dayuhan na dapat sana ay para sa mga nagugutom na mga kababayan.

Giit pa ni Cabochan, dahil sa pagpayag ng pangulo ay tiyak na unti-unti nang mauubos ang marine resources sa West Philippine Sea.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na bagama’t Pilipinas pa rin ang may sovereign rights sa mga teritoryo sa West Philippine Sea ay pinapayagan lamang nitong mangisda ang mga Chinese dahil sa huli ay hindi nito magagawang protektahan ang mga isda kapag pinasabog na ang resources at ang buong bansa ng itinuturing nitong kaibigan.

Read more...