Ilang lugar sa Maynila may libreng public viewing ng Pacquiao-Thurman fight

Libreng mapapanood ng mga Manilenyo ang laban nina Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman sa pitong lugar sa Maynila sa darating na araw ng Linggo.

Ito ay sa Tondo Sports Complex, Delpan Sports Complex, Patricia Covered Court, Baseco Covered Court, Dapitan Sports Complex, Sarmiento Covered Court at San Andres Sports Complex.

Ayon kay Julius Leonen, ang city public information officer, walang ibibigay na ‘pass’ para sa libreng panonood ng laban ng Pambansang Kamao sa mga tinukoy na covered courts.

Sinabi pa nito ang Mannila Tourism and Cultural Board ang mangangasiwa sa ‘free public viewing.’

Nakataya sa laban nina Pacquiao at Thurman sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada ang WBO Welterweight Belt.

Read more...