Residential area sa Brgy. Doña Imelda sa QC nasunog

Tinupok ng apoy ang bahagi ng Barangay Dona Imelda sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas 7:24 ng umaga ng Biyernes, July 19 na agad itinaas sa 3rd alarm.

Nahirapan ang mga truck ng bumbero na mapasok ang lugar dahil sa mga barong-barong na nakapalibot sa nasunog na na bahag ng Kapiligan St.

Malapit lamang sa San Juan River ang pinangyarihan ng sunog.

Alas 8:40 ng umaga nang ideklarang under control ang sunog at hindi na kakalat pa ang apoy.

Read more...