Antas ng tubig sa Angat dam nadagdagan ng halos 2 metro

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 08:28 AM

Sumampa na muli sa 160-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa nakalipas na 24 na oras kasi nadagdagan ng halos 2-meters ang water level ng Angat.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes (July 19), nasa 160.16 meters na ang water level ng dam.

Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.97 meters ang water level at ang La Mesa dam na nasa 73.09 meters.

Ang Ambuklao, Binga, Pantabangan, at Magat ay pawang nadagdagan ang water level.

Habang nabawasan ng kaunti ang water level ng San Roque dam at Caliraya dam.

TAGS: Angat Dam, dam status, Radyo Inquirer, water crisis, Water supply, Angat Dam, dam status, Radyo Inquirer, water crisis, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.