Mga panukala upang protektahan ang mga seafarer inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ng Marino Party-list ang dalawang panukalang batas na naglalayong tulungan ang mga Pinoy seafarers at mapabuti ang kanilang kondisyon.

Ito ay ang House Bill 2317 na lilikha sa Department of Overseas Filipinos na tututok sa kapakanan ng seafarers at ang House Bill 2318 o ang Magna Carta of Seafarers Act for 2019.

Nakapaloob sa Magna Carta for Seafarers ang mga hakbang na dapat ipatupad ng government agencies gaya ng pagtanggal sa mga waiver sa health issues kung saan walang natatanggap na benepisyo ang mga marino kapag nagkakasakit.

Nais rin ni Representative Carlo Sandro Gonzales na magtatag ng one-stop shop para sa employment at training ng seafarers at para mapadali ang employment process.

Bukod pa rito, inihain ni Gonzales ang House Resolution Number 71 na nag-oobliga sa interagency council on the International Maritime Organization member-state audit scheme na magsumite ng quarterly reports sa Kamara kaugnay sa progreso ng compliance sa IMO instruments.

Sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration noong 2016, umabot sa mahigit 442,000 ang bilang ng Pinoy seafarers at noong 2018 ay nakapag-remit sila ng tinatayang 6.1 billion dollars.

Read more...