Sinabi nito na ang pagtukoy ng mga LGUs sa mga lugar kung saan may mga kaso na ng dengue ngunit hindi pa naiuulat sa otoridad ay napakahalagang hakbangin.
Aniya ang mga lokal na pamahalaan ay maaring atasan ang mga barangay na gumawa rin ng preparedness and response plan para hindi na madagdagan ang kaso ng dengue sa kanilang lugar.
Reaksyon ito ni Binay sa pagdedeklara ng DOH ng National Dengue Alert noong nakaraang Lunes.
Aniya maaring magpasaklolo sa mga Armed Fprces of the Philippines (AFP) reservists at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paglilinis sa mga barangay partikular na sa mga paaralan sa katuwiran nito na ang dengue ay bunga ng maruming kapaligiran.
Sa naitalang 106,630 dengue cases simula noong Enero, mataas na ito ng 85 porsiyento kumpara noong 2018.
Ngayon taon, may 456 na rin ang namamatay dahil sa sakit na nag-ugat sa kagat ng lamok.