No.5 drug personality sa Misamis Occidental arestado ng PDEA

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Oroquieta City, Misamis Occidental.

Ang nadakip ay si Arfel Borata na number 5 na drug personality sa probinsya.

Nadakip ang suspek sa Purok 4, Proper Langcangan sa nasabing lungsod.

Nakumpiska sa suspek ang 11 maliliit na sachet ng hinihinalang shabu at 3 medium sachet ng shabu na may bigat na 10 gramo.

Sa kabuuan ayon sa PDEA Region X, aabot sa P65,000 ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga sa suspek.

Nakuha din sa kaniyang ang P500 na buy bust money.

Read more...