Ayon sa Phivolcs, Unang naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 4 kilometers Southwest ng bayan ng Carrascal sa lalawigan ng Surigao Del Sur, alas-12:02 ng madaling araw ng Biyernes (July 19) at may lalim na 9 kiolometers.
Naitala ang intensity 3 sa Carrascal, Surigao Del Sur at intensity 2 sa Cantilan at Carmen, Surigao Del Sur.
Naitala naman ang magnitude 3.8 na lindol sa 4 kilometers Southwest ng bayan pa rin ng Carrascal, alas-1:39 ng umaga at may lalim na 7 kilometers.
Naitala ang Intensity 4 sa Carrascal, Surigao Del Sur, Intensity 3 sa Cantilan, Carmen, Lanuza, Claver, Surigao Del Sur at instrumental intensity 1 sa Gingoog City.
At magnitude 3.6 na lindol naman ang naitala sa 6 kilometers Southwest ng bayan pa rin ng Carrascal, ala-1:40 ng umaga at may lalim na 6 kilometers.
Tectonic ang origin ng tatlong pagyanig.
Ang mga pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.5 na lindol sa Surigao Del Sur noong July 13.