Iranian drone pinabagsak ng US Navy ship

Pinabagsak ng US Navy Ship ang isang Iranian drone sa bahagi ng Strait of Hormuz sa pagitan ng Persian Gulf at Gulf of Oman.

Si US President Donald Trump mismo ang nag-anunsyo nito sa isang maiksing pahayag sa White House.

Ayon kay Trump, lumipad ang drone, 1,000 metro lang ang layo sa USS Boxer.

Tinawag ni Trump na pinakabagong provocative action ng Iran ang nangyari laban sa barko ng Amerika na naglalayag sa international waters.

Defensive action umano ang ginawa ng USS Boxer nang pabagsakin nito at wasakin ang drone ng Iran.

Ang Iran ang itinuturo ng US na nasa likod ng serye ng pag-atake sa Strait of Hormuz simula pa noong Mayo.

Read more...