Naideliver na ng Estados Unidos ang mga bagong military equipment na binili ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa isang statement araw ng Huwebes, July 18, sinabi ng US embassy na nai-turn over na ang sampung M-107. 50 caliber sniper riffles sa Camp Aguinaldo noong Miyerkules.
Ang pagbili sa mga bagong kagamitan ay bahagi ng pagpapalakas sa AFP.
Ang turnover sa mga equipment ay naganap sa kaparehong araw na ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos na pairalin na ang Mutual Defense Treaty para solusyonan ang sigalot ng Maynila sa Beijing sa West Philippine Sea.
Samantala, ayon sa US embassy, naideliver na rin sa bansa ang iba pang military items tulad ng radios, battle management systems, Unmanned Arial Systems at night vision devices.
Sasanayin din ng US ang AFP sa paggamit, pagmintena at employment ng nasabing mga gamit.
Tiniyak ng US ang suporta sa AFP sa pamamagitan ng assistance at pagpapabilis sa procurement ng mga armas at bala.
Nauna nang sinabi ng pangulo na hindi na bibili pa ng military equipment ang Pilipinas sa US.