Malacañang: BOC officials at employees na sinibak sa pwesto maaaring dumulog sa korte

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte Huwebes ng gabi sa Malacañang ang mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na sinibak dahil sa mga alegasyon ng korapsyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa harap ng mga pinatawag na opisyal at empleyado ay nanindigan si Duterte na walang puwang sa kanyang liderato ang korapsyon.

“The President has been forthright in telling these Customs officials and employees that corruption has no place under his watch,” ani Panelo.

Sinabi ni Panelo na bilang bahagi ng due process ay ang pangulo na mismo ang nagpahayag na maaaring kwetsyunin ng BOC employees ang kanilang pagkakatanggal sa pwesto.

Tiniyak din umano ng presidente sa BOC officials at employees na hindi gagamitin laban sa kanila ang pagdulog sa korte.

“He told them that consistent with due process, they will be given their day in court… PRRD assured them that he would not begrudge them if they would avail of legal remedies to question their removal from office,” dagdag ng kalihim.

Sa katunayan ay nagpasalamat pa ang presidente sa pagtanggap ng BOC officials sa kanyang imibitasyon sa Malacañang na pagpapakita na may respeto pa ang mga ito sa kanya.

“He thanked them for accepting his invitation to meet him in Malacañang, which according to him, showed they still have respect for him,” dagdag ni Panelo.

Umaasa si Panelo na ang insidenteng ito ay magpapaalala sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno na hindi sila makatatakas sa anumang pananagutan sa pagkakaroon ng mga iregularidad sa ilalim ng Duterte administration.

Sa ngayon ay nasa floating status ang BOC officials at employees hangga’t hindi pa nasasampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman.

 

Read more...