Suporta para sa 30th SEA Games bumuhos pa

Matapos ang paghanga ng Chefs de Mission sa kanilang nasaksihang paghahanda ng South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), dumagsa ang suporta mula sa pribadong sektor para sa isasagawang pagdaraos ng 30th SEA Games sa bansa sa darating na Nobyembre.

Kabilang sa mga pribadong kumpanya na nangako ng suporta ang Philippine Daily Inquirer, San Miguel at Nestle.

Unang pinabilib ng PHISGOC ang Chefs de Mission mula sa ibat-ibang bansa na kalahok sa biennial regional sports meet nang personal nilang malaman ang mga inihandang programa hanggang sa tutuluyan ng mga atleta sa Athlete’s Village.

Sa katunayan, sinabi ni CDM Sokvisal Nhan ng Cambodia, nais niyang gayahin ang paghahanda ng PHISGOC para sa pagdaraos ng SEA Games sa kanilang bansa sa 2023.

Aniya, magandang karanasan para sa kanya na masaksihan ang palaro dito sa Pilipinas dahil may matutunan sila.

Nabisita rin nila ang New Clark City Complex sa Pampanga at ang Philippine Arena sa Bulacan, kung saan magaganap ang opening ceremony.

Sinabi ni PHISGOC COO Ramon Suzara na mas naging masigasig sila sa paghahanda sa kabila ng pagpapalit ng liderato ng Philippine Olympic Committee at sa mga walang basehang alegasyon ng iregularidad.

Nagpasalamat rin ni Suzara na ang pagsuporta ng pribadong sektor ay magsisilbing inspirasyon ng mga atletang Filipino, hindi lang ng mga kabilang sa ginagawa nilang paghahanda.

 

Read more...