Batay sa Pagasa advisory alas 5:00 hapon ng Huwebes, huling namataan ang bagyo 655 kilometers North Northwest ng Basco, Batanes bandang alas 4:00 ng hapon.
Napanatili nito ang taglay na hanging aabot sa 80 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 100 kilometers bawat oras.
Binabagtas ng bagyo ang direksyong pa-Hilaga sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Samantala, inialis na ng Pagasa ang lahat ng tropical cyclone warning signal sa bansa.
Gayunman, mararanasan pa rin ang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Zambales at Bataan.
Mahina hanggang katamtamang pag-uulan naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing parte ng Luzon.
Samantala, may binabantayan ang Pagasa na panibagong sama ng panahon.
Huling namataan ang low pressure area (LPA) 310 kilometers West Northwest ng Sinait, Ilocos Sur bandang alas 3:00 ng hapon.
Inaasahang maging Tropical Depression ang LPA sa susunod na 36 na oras.