Hatian ng chairmanship committee sa Senado tatapusin sa Lunes

Inquirer file photo

Tanging 2.5 porsiyento na lang ang natitirang gusot sa committee chairmanships sa Senado.

Ito ang ibinahagi ni Senate President Vicente Sotto III.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Sotto kung ano pang mga komite ang may isyu na dapat plantsahin.

Sinabi lang nito na magkakaroon ng caucus ang mayorya sa pagbubukas ng 18th Congress sa Lunes bago sila pupunta sa Batasan Pambansa para sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Samantala, hindi nasungkit ni Sen. Pia Cayetano ang Committee on Education kahit hinati pa ito.

Pamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Basic Education samantalang si Sen. Joel Villanueva naman ang mamahala sa Committee on Higher Education and Technical-Vocational.

Read more...