13 patay sa arson attack sa isang animation studio sa Japan

(Kyodo News via AP)

Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga patay at hindi bababa sa 40 ang sugatan sa arson attack na naganap sa isang animation studio sa Kyoto, Japan.

Ang mga namatay ay nakita sa loob ng sinunog na Kyoto Animation Co. ayon sa paunang pahayag ng Kyoto Fire Department.

Naaresto naman ang isang 40-anyos na lalaki na sinasabing nasa likod ng pag-atake at pagsunog sa lugar.

Pasado alas-onse ng umaga oras sa Pilipinas nang maganap ang pag-atake sa loob ng naturang animation studio.

Ang Kyoto Animation Co, ay itinatag noong 1981 at kilala ito sa pag-produce nfg mga anime novels, comics at mga libro.

Kabilang sa mga pinasikat na likha nito ay ang manga series na “K-On!” at anime TV adaptation ng “Haruhi Suzimiya”.

Read more...