Suporta ng mga Filipino kay Pangulong Duterte malakas pa rin ayon kay Rep. Garbin

Kumbinsido si Ako Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin na malakas pa rin ang suporta ng taumbayan sa pangkalahatang governance agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos makakuha ang pangulo ng 85 percent na trust and approval rating sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Ayon kay Garbin, malinaw sa resulta ng survey na hindi lamang labing-anim na milyong Pilipino ang sumusuporta kay Pangulong Duterte lalo’t patunay rin dito ang tagumpay ng kanyang mga kaalyado sa nagdaang midterm elections.

Wala aniyang nagawa ang tatlo hanggang apat na porsiyento ng minorya na hindi kuntento sa trabaho ng punong ehekutibo para impluwensiyahan ang mga Pinoy.

At ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng first regular session ng 18th Congress, tiniyak ni Garbin na gagawing prayoridad ng Party-list Coalition sa kamara ang mga panukalang batas na nasa legislative agenda ng administrasyon.

Gayundin ang mga panukalang hindi naaprubahan sa nakalipas na Kongreso dahil sa kakulangan sa oras at ang mga naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ngunit hindi umusad sa senado.

Read more...