Ayon kina Parañaque City Rep. Joy Tambunting at Gabriela party-list Rep.
Arlene Brosas, kailangang harapin ni Guerrero ang accountability sa isyu ng korapsyon sa adwana bilang siya ang pinuno nito.
Paliwanag ni Tambunting, kilala ang BOC sa talamak na korapsyon kaya kailangang gumawa ng hakbang ang pamahaalan upang maputol ang ugat nito.
Sinabi naman ni Brosas na dapat ay direktang mapanagot si Guerrero sa isyu ng korapsyon sa kanyang ahensya.
Kailagan din anyang maparusahan ang mga mapapatunayang corrupt na empleyado at opisyal ng adwana upang magtagumpay ang anti-corruption drive ng pamahalaan.
Magugunitang sinabi ng BOC na handa nitong palitan ang 64 na kawani nito na sisibakin ni Pangulong Duterte dahil sa alegasyon ng korapsyon.
Nauna rito, nanawagan si Brent De Jesus, tagapagsalita ng grupong Transparency in Public Service (TIPS), na magsumite na ng kanyang courtesy resignation si Guerrero bilang pagsunod sa principle ng command responsibility.