1 patay, higit 30 sugatan sa sunog sa animation studio sa Kyoto, Japan

AP Photo
Isa ang nasawi habang 37 na ang naitalang sugatan sa sunog na naganap sa isang animation studio sa Kyoto, Japan.

Sa 37 nasawi, 10 ang seryoso ang kondisyon ayon sa mga otoridad.

Iniimbestigahan naman ng mga otoridad ang anggulong sinadya ang sunog.

Isang lalaki kasi na nasa edad 40 ang nakitang may inispray sa tatlong palapag na gusali.

Ang naturang lalaki ay kasamang nasugatan at binabantayan ngayon ng mga pulis sa ospital.

Ang Kyoto Animation ang nag-produce ng anime series na “K-On!!” at “The Melancholy of Haruhi Suzumiya”.

Read more...