Drug dealer patay sa shootout sa Pangasinan

Inquirer file photo
Patay ang isang hinihinalang drug dealer makaraang manlaban sa mga otoridad na nagkasa ng buy bust sa Pangasinan.

Ayon kay Col. Rederico Maranan, Pangasinan Police Provincial Office director, ang suspek ay kinilalang si Clark Nardo alyas Sky na residente ng Barangay Alac sa bayan ng San Quintin.

Si Nardo ay nasa listahan ng mga drug personality sa Tayog at San Quintin.

Isinagawa ang buy-bust ala 1:30 ng madaling araw ng Huwebes (July 18) ng mga tauhan ng Sta. Maria police station sa Barangay Cauplasan.

Pero nanlaban ang suspek at bumunot ng baril.

Doon na nauwi sa engkwentro ang operasyon.

Dinala pa sa Eastern Pangasinan General Hospital ang suspek pero nasawi din kalaunan.

Read more...