Motorcycle rider patay sa hit and run sa Makati

Patay ang isang motorcycle rider makaraang masagasaan at makaladkad ng isang kotse sa Makati City.

Nangyari ang insidente Huwebes (July 18) ng umaga sa McKinley Road.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakahinto si Romeo Lupida, 23 anyos dahil kinukuha niya ang kaniyang kapote sa likod ng motorsiklo nang biglang sumulpot ang kotse.

Natangay si Lupida ng hanggang 30 metro.

Dinala pa sa Makati Medical Center ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Ang driver naman ng kotse ay mabilis na tumakas.

Tinitignan na ng mga pulis kung mayroong CCTV sa lugar.

Read more...