7 Filipino Pilgrims hindi pinayagan na makapasok sa Saudi Arabia para dumalo ng Hajj

Hindi pinasakay ng eroplano ang nasa 7 Filipino pilgrims na dadalo sana sa hajj sa Saudi Arabia.

Ayon sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), “offloaded” ng Oman Air Flight WY 844 ang pito sa kabiguan na magsumite ng yellow card para sa influenza at meningococcal vaccination.

Sinabi ni NCMF spokesperson Jun Alonto-Datu Ramos na hindi nagpabakuna ang nasabing mga Filipino pilgrims sa kabila ng paalala sa kanila ng kanilang Bureau of External Relations.

Inoobliga ng Kingdom of Saudi Arabia ang lahat ng mga dadalo sa hajj na sumailalim sa influenza and meningococcal vaccines sampung araw bago magtungo sa kanilang bansa.

Sinabi ni Datu Ramos na sa mahigit pitong libong Filipino delagates, nasa mahigit anim na libong mga pilgrims ang naka-booked sa 34 na flights ng Saudia Airline at Oman Air sa taong ito.

Tumanggi naman ang NCMF na pangalanan ang pito at kung saan sa Pilipinas galing ang mga ito.

Read more...