Bagyong Falcon lumakas pa; Signal #1 nakataas pa rin sa Batanes

Bahagya pang lumakas ang tropical storm Falcon habang kumikilos papalayo ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 385 kilometers North ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

20 kilometers bawat oras ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-Hilaga.

Naghahatid pa rin ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at northern Palawan kabilang Calamian at Cuyo Oslands.

Naghahatid din ito ng light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes.

Ang Low Pressure Area na binabantayan naman ng PAGASA ay huling namataan sa layong 250 kilometers West Northwest ng Sinait, Ilocos Sur.

Ang nasabing LPA ay magiging bagyo sa susunod na dalawang araw at papangalanang Goring.

Read more...