Lalaki patay sa pamamaril sa Cebu City

Isang lalaki ang nasawi makaraang tambangan ng hindi pa nakilalang salarin sa Sitio Sto. Niño II, Barangay Barrio Luz sa Cebu City.

Nangyari ang pananambang madaling araw ng Huwebes, July 18.

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Antonio Den ng Mabolo Police Station ang biktima ay si Angel Daño Agustine, 33 anyos na tubong Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Nakuha sa crime scene ang isang pakete ng hinihinalang shabu at cellhone ng biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Read more...