202 nasawi sa sakit na dengue sa 5 rehiyon – NDRRMC

Sa limang rehiyon pa lamang sa bansa umabot na sa 202 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit na dengue.

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), simula January 1 hanggang July 13, umabot na sa 38,804 ang kaso ng dengue sa CALABARZON, Regions VI, VII, VIII at Soccsksargen.

Ayon sa NDRRMC, ang CALABARZON ay mayroong 13,032 dengue cases at 50 na ang nasawi.

Sa Region VI naman, pumalo na sa 15,813 ang kaso kung saan 90 ang nasawi.

Habang sa Region VII mayroong 9,594 na dengue cases at 62 ang patay.

Sa Region VIII mayroong 57 na kaso ng dengue at sa Soccsksargen ay mayroong 308 dengue cases.

Kamakailan ay nagdeklara na ng state of calamity sa Pontevedra at President Roxas sa Capiz gayundin sa Maasin, Iloilo dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng dengue.

Read more...