Mga isasarang lansangan sa QC para sa SONA ni Pangulong Duterte

INQUIRER FILE PHOTO
Inabisuhan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga motorista sa ipatutupad ng road closures sa Lunes, July 22 araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Ayon kay QCPD chief Brig. Gen. Joselito Esquivel, asahan na ang matinding traffic sa Commonwealth Avenue lalo na sa malapit sa Batasang Pambansa Complex.

Bawal din ang pumarada sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at ito-tow ang mga paparadang sasakyan mula alas 12:01 ng madaling araw ng Lunes.

Narito ang mga lansangang isasara sa daloy ng traffic sa Lunes, July 22:

– Commonwealth Avenue northbound mula Home Depot hanggang Sandiganbayan U-turn slot
– IBP Road eastbound mula Filinvest 1 hanggang sa Sinagtala mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 4:00 ng hapon
– Buong IBP Road mula alas 4:00 ng hapon
– Ang westbound lane ng IBP Road hanggang Sandiganbayan underpass/tunnel ay ipagagamit sa VIPs na lalabas ng Southgate ng Kamara patungong Commonwealth Avenue pagkatapos ng SONA
– westbound lane mula Litex hanggang HOR Southgate

Pinayuhan ang mga motorista na sundin ang sumusunod na alternatibong ruta:

– Mula alas 6:00 ng umaga ang lahat ng galing Elliptical Road patungong Fairview ay dadaan sa zipper lane sa harap ng Home Depot U turn-slot. Magtatapos ang zipper lane sa island breaker ng Sandiganbayan U-turn slot
– Ang mga motorista na galing Fairview at patungong Elliptical Road ay mananatili sa dating ruta sa southbound ng Commonwealth
– Simula 2:30 ng hapon ang mga light vehicles galing Elliptical Road patungong Fairview ay maaring dumaan sa North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Old Sauyo Road, kaliwa sa Chestnut Street, kanan sa Dahlia Street, kaliwa sa Fairlane Street palabas ng Commonwealth Avenue
– Lahat ng light vehicles mula Fairview patungong Elliptical Road naman maaring kumanan sa Fairlane Street, kanan sa Dahlia Street, kaliwa sa Chestnut Street, kanan sa Old Sauyo Road, kanan sa Mindanao Avenue, U-turn sa Quirino Highway patungong Mindanao Avenue, at kaliwa sa North Avenue

Read more...