Pulis na nanutok ng baril arestado sa Davao City

Arestado ang isang pulis matapos manutok at magpaputok ng baril sa mga construction worker sa Davao City.

Nabatid na ang pulis na may ranggong staff sergeant ay mahigit 20 taon na sa serbisyo.

Kwento ng biktima, bigla na lang silang tinutukan ng baril ng suspek sa harapan ng construction site.

Ayon kay Police Maj. Michael Uyanguren, commander ng Sta. Ana Police, kinumpiska na nila ang 45 kalibreng baril ng pulis.

Nakakulong na rin ito ngayona t mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Read more...