#WalangPasok: Klase sa QC sa Lunes, July 22 sinuspinde dahil sa SONA ni Pangulong Duterte

Suspendido ang klase sa mga paaralan sa Quezon City sa Lunes, July 22.

Inanunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang suspensyon dahil sa magaganap na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

All levels ang suspensyon sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan.

Taun-taon kapag SONA ng pangulo, marami ang marami ang nagsasagawa ng protesta at sentro ng mga pagkilos ang Commonwealth Avenue.

Isinasara din ang malaking bahagi ng Commonwealth Avenue at nagpapatupad ng re-routing.

Read more...