P1.2M na halaga ng shabu nakumpiska sa mag-ina sa Bacolod

Arestado ang mag-ina sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Banago sa Bacolod City, Negros Occidental.

Nakumpiska sa kanila ang 24 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.2 million.

Ayon kay Police Lt. Col. Leonardo Borromeo ng Bacolod City police, ang nanay ang target ng operasyon dahil itinuturing itong high-value target at dati na ring nakulong dahil sa ilegal na droga.

Nauwi pa sa habulan ang operasyon bago tuluyang mapasuko ang mga suspek.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mag-ina.

Read more...