6 arestado sa buy-bust operation sa Pasay

Arestado ang maglive-in partner at apat na iba pa sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City.

Ayon kay Police Sr. Sgt. Jerry Hernandez ng Pasay City police, target ng operasyon ang maglive-in partner na sina alyas Tim at si alyas Pam.

Sinabi ni Hernandez na si Tim katulong ang kaniyang asawa ay nagtutulak ng ilegal na droga sa Maricaban.

Maliban sa dalawa ay naaresto din ang apat na naaktuhan sa kasagsagsan ng drug session.

Nakumpiska sa mga suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu.

Read more...