LPA sa Ilocos Sur magiging bagyo sa susunod na 48 oras

Isang bagong bagyo ang mabubuo sa loob ng bansa kasunod ng bagyong Falcon.

Ayon sa PAGASA ang Low Pressure Area na nasa Ilocos Sur ay magiging ganap na bagyo sa susunod na 48 oras.

Ang LPA ay huling namataan sa 265 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.

Ayon sa PAGASA ang malaking bahagi ng Luzon ay uulanin pa rin ngayong araw bunsod ng pinagsanib na epekto ng Low Pressure Area at Habagat.

Sa sandaling maging isang ganap na bagyo ay papangalanan itong Goring at pang-pitong bagyo sa bansa ngayong taon.

Read more...