Ayon kay BSP Assistant Governor Dahlia Luna, ito ay matapos lumabas sa isang pag-aaral ng University of the Philippines (UP) na ang P20 bill ang pinakamaruming banknote sa bansa.
Ang P20 bill kasi ang pinakagamit na perang papel sa Pilipinas.
Sa ngayon ayon kay Luna ay nag-utos na ang Monetary Board na isapinal na ang disenyo ng panukalang P20 coin.
Target na mailunsad ang coin version ng P20 bago mag-Pasko.
Mas mahal anya ang gagastusin sa production cost ng P20 coin ng P2 kada piraso kaysa sa banknote version.
Gayunman, mas matagal naman ang lifespan ng coin na umaabot hanggang 15 taon kumpara sa banknote na isang taon lamang.