Kinumpirma ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang planong ilipat siya ni US President Donald Trump bilang ambassador naman ng Indonesia.
Magugunitang lumutang ang mga ulat na papalitan na si Kim ni State Department official Mina Chang.
Sa isang press briefing, sinabi ni Kim na bagaman sabik na siya sa kanyang reassignment ay mananatili siyang ‘focused’ sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Wala pa kasi anyang nakatakdang petsa sa kanyang pag-alis.
“President Trump has announced his intent to nominate me to be the next ambassador to the Republic of Indonesia. I’m obviously grateful and excited about it, but for now I remained focused on US-Philippines relationship. There’s been no decision on my departure timing,” ani Kim.
Halos tatlong taon nang ambassador ng US sa Pilipinas si Kim matapos palitan si Philip Goldberg noong 2016.