Bagamat tatlong beses nang tumanggi ang isang komite ng WHO sa naturang deklarasyon, ilang eksperto ng nasabing United Nations health agency ang nagsabi na matagal nang naabot ng outbreak ang naturang kundisyon.
Mula noong Agosto ng nakaraang taon, mahigit 1,600 katao na ang namatay sa Ebola outbreak na second deadliest sa kasaysayan.
Sa ngayon ay isang rehiyon sa Congo ang apektado ng Ebola outbreak.
Nakumpirma ang unang kaso ng Ebola sa Goma na isang lugar sa Rwadan border na mayroong international airport.
Ang deklarasyon ng global health emergency ay kalimitang nagdadala ng mas maraming tulong mula sa international community.