Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy, araw ng Miyerkules, sinabi ng presidente na hindi dahil maganda ang relasyon niya sa mga cardinal at obispo ay ‘sacrilegious’ na siya o walang paggalang.
Ayon sa pangulo, alam mismo ni Quiboloy ang kanyang personalidad lalo na ang kanyang pagiging relihiyoso.
Sa katunayan ayon kay Duterte, gabay niya sa kanyang buhay ang Bibliya.
“You might think that just because I quarrel with the cardinals and the bishops that I’m irreverent. ‘Yung I could be a sacrilegious guy. Hindi baya. Kilala ako ni Pastor. I am a deeply religious person, sa totoo lang. And my guiding light, alam ni Pastor ‘yan, is the Bible,” ani Duterte.
Ibinahagi ni Duterte ang kanyang pagkakaunawa sa nasusulat sa Aklat ng Ecclesiastes, Kabanata 3 na anya’y kung maiintindihan ng isang tao ay mahaharap nito ang kahit anong problema.
Ang presidente ay ipinanganak at pinalaking Katoliko ngunit makailang beses na inatake ang Simbahan at ang katuruan nito matapos ang mga kritisismong natatanggap mula sa mga Obispo sa giyera kontra droga.
Tinawag din ng pangulo na ‘istupido’ ang Diyos noong nakaraang taon na umani ng batikos mula sa mga religious groups at politiko.