Litrato ni Anne Curtis kasama ang 1 aktor ‘sinita’ ng mister na si Erwan Heussaff

Tila sinita ng mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff ang kanyang “steamy” picture kasama ang kapareha nito sa isang pelikula na si Marco Gumabao.

Nag-react si Erwan sa post ni Anne kung saan makikita ang close-up photo ng asawa habang kadikit ang labi ni Gumabao.

Ang larawan ay teaser ng aktres sa pelikula nila ni Gumabao na “Just A Stranger.”

Sa kanyang reaction ay nagtanong si Erwan kung sino ang naturang “stranger” na tila patungkol sa kapareha ng kanyang asawa.

Agad namang sumagot si Gumabao at nagsabing huwag umano siyang “patayin” ni Erwan.

Dito na pabirong sinabihan ni Erwan ang onscreen partner ni Anne na problema na nito ngayon ang kanyang misis.

Kailangan anyang matutong magluto si Gumabao dahil laging kamakain si Anne.

Ang pelikula na kinunan sa Portugal ay ang pagbabalik ng aktres sa signature genre nito na romance-drama.

 

Read more...