Higit P113M Mega lotto jackpot nasungkit ng 1 mananaya

Nakuha ng isang mananaya ang mahigit P113 milyong jackpot prize sa Mega lotto 6/45 sa draw gabi ng Miyerkules, July 17.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), solong tinamaan ang winning combination na 11,45,08,43,25,33.

Nasa 52 naman ang maghahati sa P29,690 na premyo matapos tamaan ang 5 numero.

Samantala, wala namang nakakuha ng mahigit P53 milyon na jackpot sa Grand lotto 6/55 draw.

Bigo ang mga mananaya na tamaan ang winning numbers na 20,08,07,34,32,06.

 

Read more...